Nagkakaisang mga Barangay Treasurers tungo sa mas maunlad na Tanauan!
Nakisaya si Mayor Sonny Perez Collantes sa masayang Year-End Party at General Assembly ng Liga ng mga Barangay Treasurers ng 48 Barangay ng Lungsod ngayong araw.
Dito ay personal na pinasalamatan ni Mayor Sonny ang mga nasabing kawani sa buong pusong dedikasyon nito sa paglilingkod sa kani-kanilang barangay. Bukod dito, nagpaabot rin si Mayor Sonny ng grocery packs para sa kanilang samahan.
Samantala, nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes, dating City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, Konsehala Czylene Marqueses at mga kinatawan ng ibaโt ibang sektor.