Nagkakaisang Lakeshore Workers para sa Lungsod ng Tanauan!
Taos pusong pasasalamat mula sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang ipinaabot ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes matapos makiisa sa ginanap na christmas party celebration ng ating nga masisipag na lakeshore workers.
Ang nasabing aktibidad ay handog ng lokal na pamahalaan bilabg regalo sa kanilang dedikasyon at pagsusumikap na mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng ating Lawa ng Taal.
