Nagkakaisang Barangay Police Force tungo sa mas Maunlad na Tanauan!
Nakiisa at nakisaya sina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa ginanap na Year-End Assembly ng Barangay Police Force ng Lungsod ng Tanauan.
Naging instrumento rin ang pagtitipon na ito upang matalakay ang iba’t ibang best practices patungkol sa nga programa’t proyekto ng bawat barangay, partikular na sa peace and order na kanilang ipinatutupad.
Habang taos pusong ipinaabot din ng ating alkalde ang kaniyang pasasalamat para sa lahat ng kagawad sa pakikiisa nito tungo sa mas epektibong implementasyon ng mga serbisyo para sa kani-kanilang komunidad.
