Association of Barangay Kagawads tungo sa mas Maunlad na Tanauan!

Nagkakaisang Association of Barangay Kagawads tungo sa mas Maunlad na Tanauan!
Nakiisa at nakisaya si Mayor Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. King Collantes sa ginanap na Year-End Assembly ng Association of Barangay Kagawads (ABAKA) ng Lungsod ng Tanauan.
Naging instrumento rin ang pagtitipon na ito upang matalakay ang iba’t ibang best practices patungkol sa nga programa’t proyekto ng bawat barangay sa pangunguna ni Ulango Brgy. Kagawad Lorenzo Mercado.
Habang taos pusong ipinaabot din ng ating alkalde ang kaniyang pasasalamat para sa lahat ng kagawad sa pakikiisa nito tungo sa mas epektibong implementasyon ng mga serbisyo para sa kani-kanilang komunidad.
Samantala, bilang suporta sa isinusulong na consultative leadership ng administrasyon ni Mayor Sonny, nakiisa din sa naturang aktibidad si Kon. Czylene Marqueses at kinatawan ng mga iba’t ibang sektor.
May be an image of one or more people
Previous Year-End Assembly ng Federation of Senior Citizens of Tanauan!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved