Ms. Generose Orna, hinirang bilang Grand Champion sa katatapos lamang na Tanauan Sing Galing 2022!

Ms. Generose Orna, hinirang bilang Grand Champion sa katatapos lamang na Tanauan Sing Galing 2022!
Upang higit na maipakilala ang natatanging husay ng ating mga kababayang Tanaueño, naging matagumpay ang isinagawang Tanauan Sing Galing Grand Finals 2022 noong sabado ika-03 ng Disyembre kung saan labinlimang mga kalahok mula sa iba’t ibang Barangay ang nagtagisan ng galing sa larangan ng pag-awit.
Hinirang bilang kampeon si Ms. Generose Orna habang nasa 1st Place naman si Mr. Randolph Motas at 2nd Place si Ms. Isabela Villapando. Ang naturang programa ay mula sa inisyatibo ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang Community Affairs Office sa pamumuno ni Mr. Ed Jallores bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang kapaskuhan sa ating Lungsod.
Ito rin ay handog n gating butihing Mayor bilang pagsuporta sa mga mang-aawit sa Tanauan, upang maisakatuparan ang kaniyang adhikain na mapaunlad ang sining sa ating Lungsod na lilinang sa kakayahan, husay at talento ng ating mga Tanaueño.
Previous Skills Training Program, handog ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa mga kababayan nating Persons Deprived of Liberty (PDL)!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version