Mga SK Officials na maglalaro sa Inter-Town Basketball League

Mga SK Officials na maglalaro sa Inter-Town Basketball League, aktibong susuportahan ng Pamahalaang Lungsod!
Masayang sinalubong ng ating Lungsod Sonny Perez Collantes sa pangunguna ni SK federation President John Kennedy Macalindog, ang mga SK Officials na maglalaro sa darating na Inter-LGU Sports Competition (SK Edition).
Dito ay nagpahayag si Mayor Sonny ng taos pusong suporta sa Team Tanauan, bilang bahagi na rin ng patuloy na pagpapalakas ng sports sa lungsod at sama-samang pagsisikap sa magandang bukas ng mga kabataan.
Samantala, ngayong araw ng Huwebes, ika-03 ng Nobyembre ang nakatakdang Grand Opening ng liga sa Lipa City! Isasagawa naman ang Elimination Round sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Sustainable Blood Supply para sa mga Tanaueño

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved