Mga Serbisyo ng Bureau of Internal Revenue Philippines Region 9A-CABAMIRO, mas ilalapit na sa mga Tanaueño; Regional Office nito, pormal nang itatayo sa Lungsod ng Tanauan!
Mas ilalapit na ang mga serbisyo ng Bureau of Internal Revenue Region 9A-CABAMIRO Office para sa mga mamamayan matapos isagawa ang groundbreaking ceremony ng kanilang Regional Office na itatayo sa Brgy. Natatas, Lungsod ng Tanauan.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga opisyales mula BIR na sina OIC-Regional Director Atty. Eric Diesto, at BIR Assistant Regional Director Atty. Wilmer Dekit katuwang si Mayor Sonny Perez Collantes.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang ipinaabot ang taos pusong pasasalamat sa pagpili sa Lungsod ng Tanauan bilang lokasyon ng kanilang itatayong bagong tanggapan.
Aniya, sa pamamagitan nito ay mas mapapalawak pa ng nasabing ahensya at ng lokal na pamahalaan ang pagtutulungan nito hinggil sa pagbababa ng iba’t ibang serbisyong kinakailangan ng bawat Tanaueño at mga mamamayan mula Cavite, Mindoro at Romblon.
