mga kababayang nagpapagaling sa laurel Memorial District Hospital, kinamusta ni Mayor Sonny

Kasama si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at St. Luke’s Medical Center President Dr. Arturo S. Dela Peña, personal nating kinamusta ang mga kababayan nating kasalukuyang nagpapagaling sa Laurel Memorial District Hospital.
Sa pamamaraang ito, ipinaalam din po natin sa ating mga kababayan ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod para sa kanilang pangangailangang medikal, gayundin sa kanilang paglapit sa tanggapan ni Congresswoman Maitet Collantes para sa pagpapa-ospital at tulong pinansiyal.
Maraming salamat sa pamunuan ng St. Luke’s Medical Center sa pangunguna ni Dr. Arturo S. Dela Peña para sa patuloy na pagpili sa Lungsod ng Tanauan upang hatiran ng mga serbisyo at programang medikal ang mga kapwa ko Tanaueño.
Previous Programang Pangkababaihan, mas palalawakin ni Atty. Cristine Collantes at Philippine Commission on Women

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version