kababaihan, Tanauan City

Mga kababaihan sa Barangay Darasa, nagpasiklaban sa Lutong nanay, Lutong Daraseña: Cook off!

Pitong kalahok mula sa iba’t ibang samahan ng kababaihan sa Darasa ang nagpakitang gilas sa inihandang programa sa kanila ng Sangguniang Barangay na layong maipakilala ang kanilang natatanging husay sa pagluluto.

Nagsilbi naman bilang hurado rito ang Presidente ng mga kababaihan sa Lungsod na si Atty. Cristine Collantes upang magpaabot ng taos pusong suporta para pagdiriwang ng Women’s Month sa kanilang Barangay.

Sa ipinaabot nitong Mensahe, kaniyang binigyang diin ang patuloy na pagkakaisa ng mga kababaihan sa Lungsod — Patuloy rin na makikipagtulungan ang City Women’s Coordinating Council sa ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa mas malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng mga kababaihan.

Previous Mga produktong Tanauan, ibinida sa Barako Festival 2024!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version