Mels Jewelry Place, naghandog ng karagdagang Relief Packs para sa mga kababayan natin!

Mels Jewelry Place, naghandog ng karagdagang Relief Packs para sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng Bagyong #KristinePH!
Sa patuloy na paghahatid ng tulong para sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong #KristinePH, nagpaabot ng donasyong Relief Packs ang Mels Jewelry Place sa pangunguna ng kanilang CEO – Ms. Melanie Suazo sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang ipamahagi sa ating mga Evacuation Centers.
Isang patunay na sa maigting na pagtutulungan ng ating Punong Lungsod at mga pribadong sektor, mas maraming tulong at donasyon ang maipaaabot upang tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa oras ng mga kalamidad.
May be an image of 13 people and text
Previous Paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong #LeonPH sa Lungsod at preparasyon para sa #Undas2024

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved