Medical at Burial Assistance sa ilalim ng Local AICS, patuloy na ipinamamahagi ng Pamahalaang Lungsod!

Medical at Burial Assistance sa ilalim ng Local AICS, patuloy na ipinamamahagi ng Pamahalaang Lungsod!
Karagdagang 65 na mga Tanaueño ang muling nabigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Local Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) na inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, City Treasurer’s Office head Fernando Manzanero at Tanauan Local Social Welfare and Development head Vicky Javier.
Ang programang ito ay regular nang aktibidad ng lokal na pamahalaan upang mabigyan ng Medical assistance at burial assistance ang ating mga kababayang nangangailangan.
Bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga kababayan nating nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaan.
Previous Training on Developing Gender-Sensitive and Effective Managers of Cooperative

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved