mayor sonny collantes, mayor sonny perez collantes, tanauan city mayor, mayor of tanauan city batangas

Mayor Sonny Perez Collantes Nagpaabot ng Bagong School Building

𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐆𝐲𝐦𝐧𝐚𝐬𝐢𝐮𝐦 𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐥𝐩𝐨𝐜 𝐄𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐚𝐛𝐨𝐭 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐒𝐨𝐧𝐧𝐲 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐳 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞𝐬!

Alinsunod sa patuloy na suporta sa sektor ng edukasyon, matagumpay na inagurasyon ng bagong school building at gymnasium para sa Sulpoc Elementary School ang pinangunahan ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes na kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes.

Ang aktibidad na ito ay dinaluhan din ng mga kawani, mag-aaral at mga guro ng Sulpoc Elementary School sa pangunguna ni School Principal Ms. Maricel Molinar, mga mag-aaral at Sangguniang Barangay ng Sulpoc sa pangunguna ni Kap. Leopoldo Molinar Jr.

Ang two-storey, eight classrooms na school building ay isa sa mga school buildings na kasalukuyang ipinatatayo sa Lungsod ng Tanauan mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny sa pamamagitan ng Special Education Fund na layong bigyan ng maayos na pasilidad ang ating mga mag-aaral na Tanaueño.

Sa kasalukuyan, ang pasilidad na ito ay mayroon na ring glass boards at arm chairs na maaari nang magamit ng mga mag-aaral ngayong Taong Panuruan.
Previous Sen. Loren Legarda at DOLE Nagbigay ng Tulong Pinansyal

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version