Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan City Police Station, binigyang-pagkilala ang mga kawani at volunteers na kaisa sa payapang #UNDAS2024
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at PNP Tanauan City OIC PLTCOL VIRGILIO JOPIA, isa-isang kinilala ang ating mga kawani at mga volunteers na naglaan ng oras at dedikasyon upang masigurong ligtas ang paggunita ng #UNDAS2024 sa Lungsod ng Tanauan.
Taos pusong nagpasalamat din si Mayor Sonny sa patuloy na pakikipagtulungan ng iba’t ibang tanggapan, barangay at samahan sa implementasyon ng mga programa at serbisyo ng lokal na pamahalaan.