Palalakasin ang Sektor ng Agrikultura sa Lungsod!

Mayor Sonny Perez Collantes at Department of Agriculture, magkatuwang na palalakasin ang Sektor ng Agrikultura sa Lungsod!
Ngayong araw, nag-courtesy call ang mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka mula sa Internal Audit Services, PRDP- Project Support Office ng South Luzon, PRDP – Regional Project Coordinating Office at DA CALABARZON.
Ito ay upang ipaalam sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na magsasagawa sila ng assessment sa implementasyon ng iba’t-ibang proyekto na natanggap ng Lungsod ng Tanauan sa Philippine Rural Development Projects.
Malugod namang tinanggap ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga ito at nagbigay suhestyon kung paano mas patitibayin pa ng Kagawaran ng Pagsasaka at ng ating Lokal na Pamahalaan para sa pagpapalakas sa mga asosasyon at grupo na benepisyaryo ng nasabing mga proyekto.
Previous Consultative Meeting kasama ang mga Tanaueñong naapektuhan ng Bagyong #KristinePH

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved