Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. Cristine Collantes, naghandog ng School Supplies para sa mga mag-aaral ng Natatas Elementary School!

Bilang Pangulo ng kababaihan sa Lungsod ng Tanauan, personal na nagpaabot si Tanauan City Womens Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes ng School Supplies sa 60 mag-aaral ng Natatas Elementary School.

Dito kaniyang inihayag kasama ang mga guro at mag-aaral na isa ang naturang programa sa prayoridad na proyekto at adbokasiya ng TCWCC, layon nito na mabigyan ng suporta ang ating mga kabataan at umagapay upang makamit ng ating bagong henerasyon ang kanilang mga pangarap.

Matatandaan din na isa ito sa adhikain ni Mayor Sonny Perez Collantes sa pagsulong na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo ang bawat Pamilyang Tanaueรฑo. Patuloy rin ang pagsusumikap na bumuo ng iba pang mga programa para sa pagpapaunlad sa sektor ng edukasyon sa Lungsod.

Samantala, nakiisa rin at nakibahagi sina Kapitan Joseph Nones, Barangay Natatas Women Coordinating Council President Ms. Jenzen Nones, mga guro at magulang ng mga mag-aaral.

Previous Oral Health Education at Dental Care services, inihatid ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan para sa mga buntis!

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved