Mayor Sonny Collantes received PAF Reserve Wing of the Year Award

Brigadier General Mayor Sonny Perez Collantes, personal na tinanggap ang ‘PAF Ready Reserve Wing of the Year Award’ ng 3rd Air Force Wing Reserve!

Sa temang ‘Accelerating Above and Beyond: 77 Years of PAF Excellence in Protecting the Nation and Securing the Skies’, pinangunahan ng ating Pangulong Bongbong Marcos sa Basa Air Base Floridablanca, Pampanga ang paggunita ng 77th founding anniversary ng Philippine Air Force (PAF) ngayong araw.

Kasabay nito ang personal na pagtanggap ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes ng ‘PAF Ready Reserve Wing of the Year’ Award ng 3rd AFWR kung saan siya ay tumatayong Brigadier General.

Ayon kay Mayor Sonny, “sagisag ito ng patuloy na pagsusumikap ng 3rd AFWR na mapaglingkuran ang ating mga kababayan, anumang oras at panahon”. Kabilang ang 3rd AFWR sa 17 awardees sa buong bansa na kinilala ng PH Air Force sa matagumpay na mga operasyon at pagiging handa nito sa pag-responde sa anumang panahon.

Ipinakita rin ng Philippine Air Force ang kanilang mga modernong kapabilidad at kagamitan sa pamamagitan ng capability demonstration.

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng PH Air Force at Air Force Reserve Command kasama sina Defense Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro, Jr. at PH Air Force Commanding General Lt Gen. Stephen Parreño.

#PhilippineAirForce

Previous New Queens of Miss Gay Tanauan 2024

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved