Mayor of Tanauan gives laptops to Child Development Workers

Mayor Sonny Perez Collantes, naghandog ng Laptop para sa ating mga Child Development Workers!

Ngayong araw, binigyang katuparan nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao ang hiling ng ating mga masisipag na Child Development Teachers na magkaroon ng kani-kanilang Laptops upang magamit sa edukasyon ng mga batang Tanaueño.

Dito, sila ay pinasalamatan ni Mayor Sonny para sa kanilang hindi matatawarang pagmamahal at patuloy na paggabay sa mga batang Tanaueño. Aniya “Asahan niyong susuklian din natin ito sa pagsisigurong naibibigay natin ang mga kinakailangang suporta sa inyong sektor.

Layunin din nito na mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang ating mga Child Development Learners upang umagapay sa pagtupad sa pangarap ng bawat kabataang Tanaueño.

Previous DSWD AICS ipinaabot ni Congw. Maitet Collantes

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved