Masayang Kapaskuhan para sa ating mga Senior Citizens sa Barangay Trapiche!
Makabuluhang salo-salo at masayang Christmas Party ang inihanda ng Sangguniang Barangay ng Trapiche para sa ating mga Senior Citizens ngayong araw.
Sa pakikiisa ni Mayor Sonny Perez Collantes, nagpaabot ito ng regalo at supresa para sa kanilang pagtitipon. Kaniya ring inihayag dito na patuloy ang pagbuo ng mga programa para pangalagaan at mabigyan ng mas maraming insentibo at Benepisyo ang ating mga minamahal na Senior Citizens sa Lungsod ng Tanauan.
