Mas pinalakas na Sektor ng Kababaihan, prayoridad sa Lungsod ng Tanauan!
Bilang bahagi ng paghahatid ng sustainable livelihood program para sa mga Tanaueña, tagumpay na isinagawa ngayong araw ang 6th Council Meeting ng Tanauan City/Barangay Women’s Coordinating Council na pinangunahan nina TCWCC President Atty, Cristine Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes.
Bukod dito, pinag-usapan din ang katatapos lamang na Gender-Responsive Consultation Dialogue kasama ang mga kababaihan mula sa 48 barangay sa Lungsod.
Upang maisakatuparan ang mga panukalang pangkabuhayan ng bawat samahan ng kababaihan, nakipag-ugnayan din ang Gad Tanauan sa pangunguna ni Ms. Vicky Javier sa mga tanggapan tulad ng Ccldo Tanauan, FITS Center Tanauan City, Tanauan Local Social Welfare and Development at OcVet Tanauan.
Kabahagi din sa nasabing pagpupulong sina City Administrator Mr. Wilfredo “Dodong” Panganiban ABLAO, Luyos BWCC President Lilibeth Arcega, SK Federation Vice President Clarence Micosa, at Mr. Marco Amurao na katuwang ni Mayor Sonny sa pagbababa ng mga programa para sa bawat Tanaueña.