Ito ang kasalukuyang isinusulong nina Mayor Sonny Perez Collantes at TCWCC PResident Atty. Cristine Collantes, katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development para sa mga Child Development Learners ng Lungsod at upang mapagpatuloy ito, nakipagpulong ngayong araw ang Pamahalaang Lungsod sa DOST-FNRI.
Sa pangunguna ng mga kawani DOST FNRI, inilapit nito kay Mayor Sonny ang isa sa kasalukuyang program nito na Supplemental Feeding Program na layong mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga CDC Learners sa pamamagitan ng paghahatid ng mga locally-produced na pagkain at sangkap batay sa Recommended Energy and Nutrient Intake (RENI).
Kaugnay nito, nagpaabot ng suporta si Mayor Sonny sa naturang tanggapan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Tanauan CSWD upang epektibong makapaghatid ng nutrition strategy and education sessions ang DOST-FNRI sa mga Child Development Workers at mga magulang ng ating CDC learners.