Mas mabisang Fire Extinguisher, ipinakilala ng ReinoldMax sa Pamahalaang Lungsod!

Sa nalalapit na paggunita sa Fire Prevention Month, nagsagawa ng Demo presentation ng kanilang produkto ang Techtanium Enterprise Corp. Reinoldmax Philippines sa pamumuno ni Mr. Winston Galang.

Dito kanilang ipinakita ang mabisang produkto upang mapuksa o maiwasan ang mabilis na pagkalat ng apoy sa tuwing may sunog. Nasaksihan ito nina Mayor Sonny Perez Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo Ablao kasama ang City Disaster Risk Reduction and Management Office at BFP Tanauan City bilang pagsuporta para sa Fire Prevention Advocacy.

Naniniwala rin ang ating Punong Lungsod sa magiging kapakinabangan ng naturang produkto para sa malaking gampanin nito ngayong papalapit ang panahon ng tag-init sa bansa.

Previous Gender Responsive Consultative Assembly of LGBTQIA+, OFW, Brgy Migrant Health Desk Officer

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved