Maraming Salamat po UAM PHILIPPINES INC!
Sa mas malawak na paghahatid ng tulong para sa mga Tanaueño, inilunsad ni Mayor Sonny Perez Collantes ang Corporate Social Responsibility bilang magandang ugnayan ng Pamahalaang Lungsod at mga Pribadong Kumpanya para sa mga programang aagapay at kakalinga sa bawat Pamilyang Tanaueño.
Ngayong araw, kasama si Atty. Cristine Collantes tagumpay na nakapag-abot ang UAM PHILIPPINES INC. ng mga Libreng Hygiene Kit Set para sa ating mga kababayang naninirahan sa tabing ilog sa bahagi ng Barangay Poblacion 3.
Isang pamamaraan na nais makatulong sa ating mga mamamayan na makapagbigay ng mga pangunahin nilang pangangailangan at upang maipadama na patuloy ang pagbaba ng iba’t ibang mga programa para sa kanila.