Tulong pinansiyal ng Davao City DRRMO

Maraming Salamat po, Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office sa tulong pinansyal para sa mga Tanaueño!
Taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes sa pamunuan ng City Government of Davao sa pamamagitan ng Davao CDRRMO matapos magpaabot ng tulong pinansyal para sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong #KristinePH.
Sa pamamagitan nina CDRRMO-Davao City head PLtCol Alfredo D. Baloran (ret. pnp) at Davao City Treasury Office head Mr. Virgilio San Pedro ay personal nilang ipinaabot ang donasyon na makatutulong sa ating mga kababayan upang makabangon muli.
Sa pamamagitan ng suportabg ito, mas napagtitibay pa ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan ang ang ugnayan upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Previous Bagong Multipurpose Building ng Brgy. San Jose

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved