Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, personal na tinanggap ng lokal na pamahalaan ang relief packs na ipinaabot ng PLDT at Smart Communications, Inc. ngayong araw.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang nasabing pamunuan sa pakikipagtulungan nitong mabigyan ng ayuda ang ating mga kababayan.
Matatandaan na isa ang Lungsod ng Tanauan at mga karatig bayan nito sa lubos na naapektuhan ng Bagyong #KristinePH kung saan maramibg kabahayan ang binaha at nasira.
Patuloy naman angpaghahatid ng tulong ng lokal na pamahalaan katuwang ang iba’t ibang tanggapan upang masigurong natutugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya, kabilang na ang ating mga evacuees.