Bloomberry Cultural Foundation Inc., nag hatid ng tulong!

Maraming Salamat, Bloomberry Cultural Foundation Inc., sa hatid na tulong para sa mga Tanaueño!☝️❤️
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, personal na tinanggap ng lokal na pamahalaan at ng mga Tanaueñong apektado ng Bagyong #KristinePH ang relief packs na ipinaabot ng Bloomberry Cultural Foundation Inc. ngayong araw.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang buong pamunuan ng naturang organisasyon sa pakikipagtulungan nitong mabigyan ng ayuda ang ating mga kababayan.
Matatandaan na isa ang Lungsod ng Tanauan at mga karatig bayan nito sa lubos na naapektuhan ng Bagyong #KristinePH kung saan maramibg kabahayan ang binaha at nasira.
Patuloy naman ang agarang aksyon ng lokal na pamahalaan katuwang ang iba’t ibang tanggapan upang masigurong natutugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya, kabilang na ang ating mga evacuees.
Previous Cash Incentives para sa Centenarian ng Brgy. Altura Matanda

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved