Malawak na Programa para sa Sektor ng Edukasyon mas pagtutuunang pansin.

Malawak na Programa para sa Sektor ng Edukasyon mas pagtutuunang pansin ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang DepEd Tayo – DepEd Tanauan City !
Sa isinagawang Year End Assessment ng mga teaching and non-teaching personnel ng DepEd Tanauan City, nakiisa sina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes upang personal na ihayag ang mensahe ng pasasalamat para sa kanilang hindi matatawarang sakripisyo, dedikasyon at integridad na palagiang ibinibigay para sa bawat mag-aaral.
Hinikayat din dito ni Mayor Sonny ang bawat isa na patuloy pang palakasin ang pagbuo ng mas maraming programa para sa pagpapaunlad sa sektor ng Edukasyon na layong magabayan ang ating mga kabataan tungo sa magandang bukas para sa Lungsod ng Tanauan.
May be an image of 2 people, crowd and text
Previous Regalong Pamaskong Handog ni Mayor Sonny Perez Collantes!

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved