𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | Maigting na Police Presence; karagdang mga kagamitang pang-operasyon ng Tri-bureau; Successful Neutralisation ng mga miyembro ng “SAKO GANG”, tinalakay sa 4th Quarter City Peace and Order Council Meeting!
NEW TANAUAN CITY HALL — Pinuri ni Mayor Sonny Perez Collantes ang matagumpay na operasyon ng Tanauan PNP sa pangunguna ni Tanauan PS OIC — Lt. Col. Virgilio Jopia, kabilang na rito ang successful neutralisation ng notorious gang na “SAKO GANG” kung saan limang miyembro ang nadakip na sangkot sa iba’t ibang criminal cases.
Samantala, hahandugan din ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang hanay ng kapulisan ng ‘Body Worn Cameras’ na magiging daan sa mas pinahusay na mga operasyon.
“Kitang-kita po natin ang aktibong Police Visibility sa Lungsod ng Tanauan lalo’t higit sa ating mga exit points, salamat sa ating mga kapulisan at mahusay talaga nating nagagamit ang mga ibinigay nating mga bagong Police Patrol Cars” aniya Mayor Sonny.
Iniulat din ng BFP Tanauan sa pangunguna ni FCINSP Ruth Joy Micosa ang Successful Fire Suppression Services sa mga nagdaang buwan, patuloy na pagbaba ng libreng CPR (Cardiopulmonary Resuscitation) training sa mga barangay at Oplan Ligtas na Pamayanan.
Samantala, pinasalamatan din ni Mayor Sonny ang hanay ng BJMP Tanauan Male Dormitory sa pangunguna ni JSINSP Rommel E. Aurin, kung saan tuloy-tuloy ang paghahatid ng livelihood development programs. Nagpasalamat din ang BJMP sa buwanang cake na hatid ni Mayor Sonny para sa mga PDL at iba’t ibang donasyon para sa BJMP.
Pinuri rin ng DILG-Tanauan ang aktibong Animal Quarantine Checkpoint sa Lungsod lalo’t higit na mayroon paring banta ng African Swine Fever (ASF) sa mga karatig bayan.
