Mayor Sonny Perez Collantes, nagpaabot ng maagang regalo para sa mga pasyente ng Healthway Daniel O. Mercado Medical Center!
Naghatid ng ngiti at kasiyahan ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes para sa ating mga kababayang kasalukuyang namamalagi sa Healthway DMMC ngayong araw, kasabay ng kanilang Chirstmas Party.
Bilang maagang regalo sa nalalapit na kapaskuhan, nagpaabot ng grocery packs ang ating alkalde sa bawat dumalo sa nasabing aktibidad.
Habang mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang pamunuan ng DMMC sa pakikipagtulungan nito sa lokal na pamahalaan na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Tanaueño sa pamamagitan ng paghahatid ng dekalidad na serbisyong medikal.
