Maagang Christmas Cash Gift para sa Senior Citizens ng Lungsod, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Kaugnay sa malawakang paghahatid ng benepisyo para sa sektor ng Senior Citizens, ipinamahagi rin ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes ang cash incentives para sa mga Tanaueño mula Brgy. Balele, Sulpoc, Suplang, Pantay Bata, at Pantay Matanda katuwang ang OSCA Tanauan, Pdao Tanauan at City Treasury Office.
Sa pamamagitan ng cash incentives na ito, layon ni Mayor Sonny na agarang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan lalo’t higit ang sektor ng Senior Citizens alinsunod sa mandato ng ating batas.
