Maagang Christmas Cash Gift para sa Senior Citizens at PWDs ng Lungsod, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Kaugnay sa malawakang paghahatid ng benepisyo para sa sektor ng Senior Citizens at Persons With Disability (PWDs), ipinamahagi rin ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes ang cash incentives para sa mga Tanaueño katuwang ang OSCA Tanauan, Pdao Tanauan at City Treasury Office.
Sa pamamagitan ng cash incentives na ito, layon ni Mayor Sonny na agarang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan lalo’t higit ang sektor ng Senior Citizens at PWDs alinsunod sa mandato ng ating batas.
