Pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya para sa mga pangkalusugang aktibidad at kasalukuyang estado ng Lungsod mula sa iba’t ibang sakit, tinalakay sa Local Health Board
Tagumpay na isinagawa ngayong araw ang Local Health Board Meeting sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kung saan tinalakay rito ang kasalukuyang estado ng Lungsod mula sa mga sakit tulad ng Dengue, COVID-19, at Hand, Foot and Mouth Disease.
Habang pormal na pinag-usapan rin ang kasuduan ng Pamahalaang Lungsod at mga kinatawan ng Daniel O. Mercado Medical Center (DMMC) kasama sina City Health Office OIC Dra. Anna Dalawampu, City Administrator Wilfredo Ablao, Kon. Dra. Kristel Guelos ang mga sumusunod
– Memorandum of Agreement with DMCC-Molecular Laboratory for RT-PCR testing
– Memorandum of Agreement with DMCC-Institute of Health Sciences for the conduct of Free Physical Therapy for the constituents of the City of Tanauan
Samantala, tinalakay rin ang Memorandum of Agreement sa pagitan naman ng mga kawani ng DOH-National Voluntary Blood Services-Philippine Blood Services para sa mga isasagawang Blood Donation Activities ng lokal na pamahalaan.