Panibagong mga Tanaueño ang kasalukuyang nabigyan ng tulong pinansyal ni Mayor Sonny Perez Collantess sa ilalim ng Local AICS ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng Tanauan Local Social Welfare and Development at City Treasury Office.
Kabilang sa tulong pinansyal na ipinaabot ng Lokal na pamahalaan ay ang medical assistance at mortuary assistance para sa mga Tanaueño.
Katuwang sa paghahatid ng programang ito ang ating dating Administrador G. Wilfredo “Dodong” Ablao at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.
Samantala, sa mga nais mag-apply ng Medical, Hospitalization at Mortuary assistance, maaaring magtungo sa Tanggapan ng Tanauan CSWD tuwing Huwebes, 8:00 am hanggang 5:00 pm.