Local AICS para sa mga Tanaueño

Local AICS para sa mga Tanaueño, inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Panibagong mga Tanaueño ang kasalukuyang nabigyan ng tulong pinansyal ni Mayor Sonny Perez Collantess sa ilalim ng Local AICS ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng Tanauan Local Social Welfare and Development at City Treasury Office.
Kabilang sa tulong pinansyal na ipinaabot ng Lokal na pamahalaan ay ang medical assistance at mortuary assistance para sa mga Tanaueño.
Katuwang sa paghahatid ng programang ito si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Kon. Czylene Marqueses SK Federation Vice President Clarence at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor.
Samantala, sa mga nais mag-apply ng Medical, Hospitalization at Mortuary assistance, maaaring magtungo sa Tanggapan ng Tanauan CSWD tuwing Huwebes, 8:00 am hanggang 5:00 pm.
Previous Child Protection Summit 2024, inihatid ng Tanauan LGU!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved