Local AICS para sa mga Tanaueño, inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Mas pinabilis at mas sistematikong pamamahagi ng tulong pinansyal ang lingguhang ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa mga Tanaueñong nangangailangan!
Sa pamamagitan ng Local AICS, personal na inihahatid ni Mayor Sonny ang pangangailangang medikal ng ating mga kababayan tulad ng hospitalization, medicine maintenance, kabilang na rin ang mortuary assistance.
Kaugnay nito, mas pinaiigting ang paghahatid ng mga programang ito katuwang ang iba’t ibang sektor ng ating Lungsod tulad nila Kon. Czylene Marqueses, CSWD Head Ms. Vicky Javier, ERPAT President Kon. Tirso Oruga, Luyos BWCC President Lilibeth Arcega, FPIP PRO Mr. Marco Amurao, Former Brgy. Mabini Kap. Eboy Alcantara, Former Banjo West Kap. Macky Gonzales, at Engr. Sonny Natanauan.
