Local AICS para sa mga Tanaueño

Local AICS para sa mga Tanaueño, inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Panibagong mga Tanaueño ang kasalukuyang nabigyan ng tulong pinansyal ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ilalim ng Local AICS ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng Tanauan CSWD sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier at City Treasury Office sa pamumuno ni Mr. Fernan Manzanero.
Kabilang din sa ipinaabot ng Lokal na pamahalaan ay ang mortuary assistance para sa pamilyang Tanaueño at incentives para sa senior citizens edad 85-99.
Katuwang sa paghahatid ng programang ito si Batangas 3rd District Representative Chief of Staff Atty. King Collantes, mga Kapitan ng Barangay at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor, sa pangunguna nina SK Federation Vice President Clarence Micosa, FPIP PRO Mr. Marco Amurao, Luyos BWCC President Ms. Lilibeth Arcega, ERPAT President at Ulango Kon. Tirso Oruga, former Banjo East Kap. Macky Gonzales at Engr. Sonny Natanauan.
Samantala, sa mga nais mag-apply ng Medical, Hospitalization at Mortuary assistance, maaaring magtungo sa Tanggapan ng Tanauan CSWD tuwing Huwebes, 8:00 am hanggang 5:00 pm.
No photo description available.
Previous 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗟𝘂𝘆𝗼𝘀, 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗮ñ𝗮, 𝗦𝘂𝗹𝗽𝗼𝗰, 𝗦𝘂𝗽𝗹𝗮𝗻𝗴, 𝗮𝘁 𝗦𝗮𝗻 𝗝𝗼𝘀𝗲

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved