Local AICS at Cash Incentives para sa mga Senior Citizens, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Umabot sa 313 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Social Welfare and Development Office (CSWD).

Nakiisa rin sa naturang pamamahagi sina TCWCC President Atty. Cristine Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na kaagapay at bahagi sa paghahatid ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance ng ating mga kababayan.

Habang ipinaabot rin sa 10 senior citizens edad 85 hanggang 95 taong gulang ang pinagkalooban ng Cash Incentives ng ating Pamahalaang Lungsod.

Samantala, bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan para sa mga Tanaueñong nagnanais makahingi ng tulong mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan.

Previous Oathtaking para sa karagdagang Learning Support Aides at mga Promoted na mga Guro

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version