Livelihood at Skills Trainings Program para sa mga Tanaueña

Livelihood at Skills Trainings Program para sa mga Tanaueña, isusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan katuwang ang FPIP at Mybrush Technology Philippines Inc.
Bilang parte ng pagpapalakas ng sektor ng kababaihan sa Lungsod, kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan sina Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan City Coordinating Council (TWCC) President Atty. Cristine Collantes upang makapaghatid ng Livelihood at Skills Training program.
Sa ilalim ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng MyBrush Technology Phil. Inc., ibinahagi nina Human Resource Executive Ms. Joanne de Castro, EHS Executive Engr. Rowel Montaño at Human Resource Assistant Manager Ms. Lhen Tumulak ang pagbubukas ng mga programang maaaring maibaba ng kanilang kumpanya tulad ng Training for Employment at Product Making seminar.
Magiging kabahagi rin sa naturang programa na ito sina CCLDO head Ms. May Teresita Fidelino at FPIP Community Relations Mr. Marco Amurao upang mas lumawak pa ang paghahatid ng karagdarang hanapbuhay at dagdag kita para sa ating mga kababaihan.
Previous WELCOME BACK CHAMPIONS!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved