Libreng wheelchair, ipinaabot nina TCWCC President Atty. Cristine Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes
Bagong wheelchair para sa kabataang PWD na si Jonis Ramos ang personal na inihatid ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes.
Nagsilbing instrumento rin upang maisakatuparan ang paghahatid ng assistive device na ito si Mayor Sonny Perez Collantes at Sangguniang Barangay ng Wawa sa pangunguna ni Kap. Efren Garcia at BWCC President Ms. Shiela Mae Gracela at Tanauan Local Social Welfare and Development head Ms. Vicky Javier.
Pamamaraan ito ni Mayor Sonny upang mabigyan ng pangangailangang medikal ng ating mga kababayan para sa sektor ng PWD sa Lungsod.