Libreng Training at Sewing Machine ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes at Solar Tanauan

Basic Sewer’s Training at Sewing Machine para sa Tanaueña, inihatid ni Mayor Sonny at Solar Tanauan!

Sustainable livelihood program ang naghihintay para sa ating 25 mga Tanaueña TESDA scholars mula Brgy. Malaking Pulo matapos naging matagumpay ang graduation ceremony ng Basic Sewer’s Training na pinangunahan nina Mayor Sonny Perez Collantes at TCWCC President Atty. Cristine Collantes, katuwang ang Ccldo Tanauan sa pamumuno ni Ms. May Teresita Fidelino.

Kabahagi din sa implementasyon ng programang ito ang Sangguniang Barangay ng Malaking Pulo sa pamumuno ni Kap. Adrian Garcia at Malaking Pulo Women’s Coordinating Council President Elizabeth Garcia.
Bukod rito, sa pakikipagtulungan ni Mayor Sonny at TCWCC President sa pamunuan ng Solar Tanauan/Prime Infra, naihatid din ang mga bagong sewing machine na magagamit ng mga Tanaueña sa kanilang pagtatahi ng kanilang mga produkto.
Ang nasabing programa ay hatid ng lokal na pamahalaan upang matulungan ang ating mga kababaihan na magkaroon ng kasanayan at pagkakakitaan sa pamamagitan ng sustainable livelihood programs na isinusulong ng Tanauan City Coordinating Council.

Previous Mayor Sonny Perez Collantes Nagpaabot ng Bagong School Building

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved