Programang Pangkalusugan: Libreng Surgical Mission para sa mga Tanaueño, magkatuwang na inihatid ng St. Luke’s Medical Center Foundation at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Bilang regalo ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ating mga kababayan, magkatuwang na inihatid ng St. Luke’s Medical Center – Global City, Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes at City Health Office ang Libreng Surgical Mission para sa mga Tanaueño.

Ang mga nasabing benepisyaryo ay sumailalim sa pre-surgical assessment upang malaman ang kanilang kondisyon base sa Minor at Major Operations na isasagawa sa kanila na pangungunahan ng Surgical Team ni St. Luke’s Medical Center Foundation Inc.

Binisita at nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat si Mayor Sonny sa patuloy na pakikipagtulungan upang maibsan ang mga pangkalusugang suliranin ng ating mga kababayan para sa kanilang medikal na pangangailangan.

Previous Mas mabisang Fire Extinguisher, ipinakilala ng ReinoldMax sa Pamahalaang Lungsod!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version