Libreng Sisiw para sa mga Kababaihan at ERPAT Members! 



Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes na kinatawanan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Tanggapan Ng Beterinaryong Panglungsod-Tanauan, tagumpay na nagpaabot ng sisiw at dalawang sakong Chicken Feeds para sa mga kababaihan at ERPAT members.
Pamamaraan ito ng Pamahalaang Lungsod upang mabigyan ng panimulang pangkabuhayan ang bawat sektor sa Lungsod na magsisilbing instrumentong magpapalago sa kanilang samahan.