Libreng sisiw para sa mga ERPAT members

Mula sa inisyatiba nina Mayor Sonny Perez Collantes at City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao katuwang sina Atty. Cristine Collantes, Konsehala Czylene Marqueses, ERPAT President Kap. Tirso Oruga, at Ms. Vicky Javier isinagawa ang pamamahagi ng 100 pirasong sisiw at dalawang sakong chicken feeds para sa mga miyembro ng ERPAT.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Father’s Month ngayong taon na layong magbigay-suporta sa ating mga haligi ng tahanan parang sa kanilang mapagkukunan ng karagdagang pangkabuhayan.

Ayon kay Mayor Sonny, pamamaraan ito ng Pamahalaang Lungsod upang lahat ng sektor sa Tanauan ay nabibigyan ng suporta sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng programa, upang mapabuti ang antas ng pamumuhay ng bawat isang pamilyang Tanaueño.

Previous 74 pamilya personal na hinatiran ng relief package ni Mayor Sonny

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version