Libreng Pustiso para sa mga Tanaueño, inihatid ni Mayor Sonny at Tanauan CHO!
Naghatid ng ngiti sa ating mga Tanaueño ngayong araw ang handof ni MayorSonny Perez Collantes na libreng pustiso katuwang ang City Health Office.
Ang mga nasabing benepisyaryo ay mga kababayan nating senior citizens at indigent families na kasalukuyang sinusuportahan ng lokal na pamahalaan.
Inisyatibo ito ni Mayor Sonny na mabigyan ng maayos na oral health ang mga Tanaueño upang masigurong ligtas at malusog ito laban sa iba’t ibang oral problems.
