Libreng Learning Books para sa CDC learners, inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan CSWD!
Kaugnay direktiba ni Mayor Sonny Perez Collantes na maghatid ng dekalidad na edukasyon para sa mga kabataang Tanaueño, sabayang ipinamahagi ngayong araw sa 48 na Barangay sa Lungsod ng Tanauan ang Learning Books para sa mga Child Development Learners katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development at Child Development Teachers.
Ang mga nasabing Learning Materials ay naglalaman ng Children’s Activity Sheets para sa kanilang mga pangunahing asignatura katulad ng Math, Science, English, Writing at marami pa upang mapabuti ang kanilang mga isinasagawang mga activities sa klase.
Inisyatibo rin ito ng ating Punong Lungsod upang mapagaan ang tustusin ng mga magulang para sa pag-aaral ng kanilang mga anak at bilang paghahanda na rin sa magandang bukas at maunlad na Lungsod ng Tanauan.
Samantala, kabilang din sa nagpaabot ng suporta sa naturang aktibidad sina 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes, dating City Administrator Mr. Wilfredo Ablao at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na kabahagi sa pagpapaunlad ng edukasyon sa lungsod.