Libreng Learning Books para sa CDC learners, inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes at Tanauan CSWD!
Kaugnay direktiba ni Mayor Sonny Perez Collantes na maghatid ng dekalidad na edukasyon para sa mga kabataang Tanaueño, namahagi muli ngayong araw ng Learning Books para sa mga Child Development Learners katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development at Child Development Teachers.
Ang mga nasabing Learning Materials ay naglalaman ng Children’s Activity Sheets para sa kanilang mga pangunahing asignatura katulad ng Math, Science, English, Writing at marami pa upang mapabuti ang kanilang mga isinasagawang mga activities sa klase.
Inisyatibo rin ito ng ating Punong Lungsod upang mapagaan ang tustusin ng mga magulang para sa pag-aaral ng kanilang mga anak at bilang paghahanda na rin sa magandang bukas at maunlad na Lungsod ng Tanauan.
Samantala, kabilang din sa nagpaabot ng suporta sa naturang aktibidad si Konsehala Czylene Marqueses at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor na kabahagi sa pagpapaunlad ng edukasyon sa lungsod.