Libreng bakuna kontra Polio, Rubella, at Tigdas para sa mga sanggol

Libreng bakuna kontra Polio, Rubella, at Tigdas para sa mga sanggol, sinimulan na ngayong araw!
Para sa mas ligtas at malusog na mga sanggol sa Lungsod, kasalukuyan nang isinasagawa sa Barangay Pagaspas ang MR OPV SIA o Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Vaccine sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes katuwang ang ating City Health Office sa pamumuno ni Dra. Anna Dalawampu at Sangguniang Barangay ng Pagaspas.
Sa kasalukuyan, available na sa ating Mega Health Center ang nasabing bakuna at ito ay isasagawa ng sabay-sabay sa 48 Barangay hanggang sa katapusan ng Mayo.
Para naman sa ibang detalye, makipag-ugnayan lamang sa Tanauan City Health Office, Lunes hanggang Biyernes 8:00 AM to 5:00 PM sa Mega Health Center (Old City Hall Building) Tindalo St., Brgy. Población 3, Tanauan City.
Previous Pamamahagi ng Bigas para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version