Komprehensibong Programa at Proyekto para sa mga Tanaueño tinalakay!

Komprehensibong Programa at Proyekto para sa mga Tanaueño, tinalakay sa pagbuo ng Tanauan LGU GAD Agenda
Kaugnay sa implementasyon ng mga programa sa ilalim ng Gender and Development sa Lungsod ng Tanauan, kasalukuyang isinasagawa ang two-day training-workshop para sa Finalization ng GAD Agenda ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes at Gad Tanauan.
Katuwang ni Mayor Sonny sa pagbuo ng naturang GAD Agenda ay ang mga department managers at kinatawan ng iba’t ibang mga ahensya sa Lungsod na kaisa ng lokal na pamahalaan sa pagbuo ng komprehensibong GAD Strategic Plan na sasagot sa kasalukuyang gender issues sa Lungsod.
Naging kabahagi rin sa pagpupulong na ito si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes na katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagbababa ng programa para sa kababaihan.
Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng inisyatibo ni Mayor Sonny na maipagpatuloy ang gender-responsiveness sa Lungsod partikular na sa mga programa at proyektong ibinababa para sa bawat pamilyang Tanaueño.
No photo description available.
Previous Bagong Renal Aid Dialysis Center para sa mga Tanaueño, bukas na sa publiko!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved