Knights of Columbus, kaisa ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid ng Serbisyo Publiko para sa ating mga Kababayan!

Ngayong araw ay binisita ng Knights of Columbus Council 6025 sa pangunguna ni District Deputy Leopoldo Endaya ang Tanggapan ng mga Mamayan ng Lungsod ng Tanauan upang ipaabot ang kanilang pakikipagtulungan kay Mayor Sonny Perez Collantes na matulungan ang ating mga kababayan.

Hawak ng nasabing samahan ang Bayan ng Sto. Tomas at Barangay Santor na patuloy na sinusuportahan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. Cristine Collantes para sa kanilang adhikaing makatulong sa ating mga kababayan.

Previous LOOK | KALINISAN sa Bagong Pilipinas Program

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version