Kerry Philippines Flag Raising Ceremony

IN PHOTOS | Kerry Philippines Flag Raising Ceremony
Nakiisa sa ginanap na PRIDE Flag Raising Ceremony ng Kerry Philippines ang ating Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang mga kawani at empleyado ng nasabing kompanya sa pangunguna nina Country Head and Commercial Lead Ms. Cynthia Macapugay at Southeast Asia Food Service Chains Business General Manager Mx. Simon Hague.
Ang aktibidad na ito ay kaugnay sa selebrasyon ng PRIDE Month sa bansa at pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, Kerry Philippines at ng iba pang ahensya sa natatanging kontribusyon ng ating LGBTQIA+ sa ekonomiyang aspeto ng ating bansa.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng isang inklusibong working environment at pagkakaroon ng gender sensitiveness upang malabanan ang stereotyping at diskriminasyon sa ating komunidad at iba’t ibang industriya. Pinasalamat din nya ang pamunuan ng Kerry Philippines sa pagiging ehemplo nito sa larangan ng Food Manufacturing at sa pagtataguyod ng mga karapatan ng LGBTQIA+.
Kabilang din sa nakiisa sa nasabing programa ay si Embassy of Ireland in the Philippines na si Ms. Kimberly Yu at mga kinatawan mula LGBT Chamber of Commerce at Philippines Financial and Inter-Industry Pride.
Previous Medical and Burial Assistance at Cash Incentives para sa mga Senior Citizens, ipinamahagi sa Pamahalaang Lungsod

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version