Mga promoted na mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ang pormal na nanumpa sa Tanggapan ng mga Mamamayan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Human Resource and Development Office.
Sila ang kaagapay ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid ng mas malawak at magagandang programa para sa ating mga mamamayang Tanaueño.
Dito, ipinaalala ni Mayor Sonny sa kanila na mahalin ang kanilang sinumpaang tungkulin at maging kabahagi para sa mga magagandang adhikain para sa ating mga kababayan at maging kaisa sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Tanauan!
Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, isang pagbati para sa inyong Tagumpay!